“Martial Law 1972”

Ano ang Batas Militar?

Ang batas militar ay kakaibang kapangyarihan ng estado na karaniwang ipinatutupad nang panandalian ng isang pamahalaan kapag hindi na nito maayos magampananan ang pamamahala gamit ang sibilyan nitong kapangyarihan (e.g. pagpapanatili ng kaayusan at katiwasayan, o magbigay ng mga pangunahing serbisyo). Sa isang ganap na batas militar, ang pinakamataas na opisyal ng militar ang namumuno, o naitatalaga bilang tagapamahala o puno ng pamahalaan, kasabay ng pagbuwag o pagtanggal ng lahat ng kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan mula tagapagpaganap, tagapagbatas, hanggang panghukuman.

Maaaring ipatupad ng pamahalaan ang batas militar upang manaig ang kanilang kapangyarihan sa sambayanan. Ang ilang insidente ng pagpapatupad ng batas militar ay nangyayari matapos ang isang kudeta (gaya ng sa Thailand noong 2006 at 2014); kapag may banta ng malawakang protesta laban sa pamahalaan (Tsina sa Tiananmen Square noong 1989); upang supilin ang oposisyong politikal (Poland noong 1981); sugpuin ang napipintong pag-aalsa (Canada, October Crisis noong 1970). Nagdedeklara rin ng batas militar tuwing may matinding sakuna; ngunit, ang ilang bansa ay gumagamit ng ibang legal na konstruksiyon, gaya ng estado ng kagipitan.

Nagpapatupad din ng batas militar tuwing may mga hidwaan gaya ng pananakop, kung saan ang kawalan ng pamahalaang sibilyan ay nagdudulot ng pagkabalisa ng populasyon. Ang ilang halimbawa ng ganitong pamamahalang militar ay noong rekonstruksiyon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Alemanya at Hapon, pati na rin noong rekonstruksiyon sa timog Estados Unidos pagkatapos ng Digmaang Sibil Amerikano.

Malimit na may kaakibat na pagpapatupad ng curfew, pagsuspindi ng batas sibil, karapatang sibil, habeas corpus, at pagsasailalim o pagpapalawig ng hukumang militar o katarungang militar sa mga sibilyan. Ang mga sibilyang hindi tatalima sa batas militar ay maaaring litisin sa isang hukumang militar.

Batas Militar sa Pilipinas 1972

Ika-21 ng Setyembre 1972 – idineklara ni Marcos ang Proclamation No. 1081 o ang Batas Militar (Martial Law sa Ingles). Ngunit isinapubliko ito at napanood ang pagdedeklara dalawang araw matapos ito pagtibayin. Matapos ipinalabas ang proklamasyon, agad na ipinaaresto ang mga katunggali ni Ferdie sa pulitika, at mga demonstrador. Ipinasara ang mga istasyon ng telebisyon, radyo at palimbagan ng mga dyaryo. Hinigpit ang seguridad at nagpatupad ng curfew sa buong kapuluan.

Idineklara ang Martial Law dahil sa assassination plot laban kay dating Defense Secretary/Minister at ngayo’y Senate President Juan Ponce Enrile, paglakas ng pwersa ng mga komunistang grupo at patuloy na kaguluhan sanhi ng mga demonstrasyon laban sa pamahalaan at ang pagpapasabog sa Plaza Miranda. Hangad ng Martial Law na ‘iligtas’ ang republika mula sa mga masasamang elemento at bumuo ng ‘Bagong Lipunan’.

Layong iligtas ang republika mula sa mga masasamang elemento katulad ng mga komunista sa pamamagitan ng pagdedeklara ng Batas Militar. Imbes na humina at mawala ang mga komunista, lalong lumakas at dumami ang kanilang mga miyembro, nag-alab sila laban sa rehimeng Marcos. Mas tumindi ang giyera sa pagitan ng gobyerno at mga komunista kaya maraming inosente ang namatay sa salpukan ng dalawa. Ang mga mamamahayag ay napagbintangan na sila’y kasapi ng mga grupong Communist Party of the Philippines at New People’s Army kaya marami ang kaso ng extrajudicial killings sa panahon ng panunungkulan ni Macoy. Maski mga ordinaryong tao ay pinagbintangan kaya ang iba sa kanila’y sinaktan, pinatay at ipinahiya sa harap ng mga mamamayang takot at mabilis maniwala sa mga sabi ng gobyerno.

Mga Layunin:

Isa sa mga layunin ng pagdedeklara ng Batas Militar ay ang pagtatatag ng isang bagong lipunang makatao, maka-Diyos at makabayan at may pitong haligi. Ito ay ang (1) pambansang pagkakaisa, (2) pambansang pagkakakilanlan, (3)kaunlaran at kasaganaan, (4) demokrasya salig sa maraming paglahok ng tao, (5) katarungang panlipunan, (6) internasyonalismo at pakikiisa sa sanlibutan at (7)kalayaan sa paniniwala. Pitong aspeto naman ang binibigyang-diin ng mga programang pangreporma: (1) ang katahimikan at katiwasayan, (2) lupa at sakahan, (3) kabuhayan, (4) edukasyon, (5) reorganisasyon ng pamahalaan, (6)paggawa at (7) serbisyong panlipunan.

Mga Taong Kaugnay sa Martial Law 1972

Maaaring maiugnay rito angg kalihim ng pagtatanggol na si Juan Ponce Enrile at military vice-chief of staff Fidel Ramos, si Corazon Aquino na siyang nanguna sa EDSA Revolution at ang kanyang asawang si Benigno Aquino, Jr.

Pangunahing Batis

Diary Entries

Jan. 27, 1973 Saturday 11:50 pm (on board the 777 to sleep here for an early start at 7:30 am tomorrow with Dr. and Mrs. Sharon for Talaga)

JAN 28, 737:50 AM

…Chief Justice Concepcion is sick in the hospital and may not be able to attend the dinner on Monday.

It is apparent that the other justices are in favor of dismissing the petition questioning the validity of the ratification of the New Constitution.

But they want to be assured of their continuance in office under the new constitution with new appointments…

But everybody else has accepted the new constitution and as we put it in the dinner conference we held tonight, how do the justices expect us to “unscramble the eggs already scrambled”?

We have to handle them with finesse as the Supreme Court might become the rallying point of the opponents of reform.

Jan. 29, 1973, 1:00 am Jan. 30th

JAN 30, 731:00 AM

The dinner with the Justices without Chief Justice Concepcion who is sick in Sto. Tomas Hospital turned out well.

Casually I turned into the problems the country was facing requiring an unquestioned position of leadership for negotiations. As Justice Fred Ruiz Castro said, “I get the message, Mr. President.”

Feb. 13, 1973

FEB 13, 7310:20 AM

…The dilemma of all the developing countries is still freedom in its traditional concept or survival.

Perhaps too simplistic but true. In our case survival (physically) from the anarchy, violence, and chaos of actual rebellion…

In our case, too, providentially, there was written into our constitution the power to proclaim martial law which would authorize not only an assurance of flexibility in eradicating the rebellion but of instituting reforms that would prevents its recurrence and create a new society…

Mar. 2, 1973 2:00 pm

MAR 2, 732:00 PM

With the country and people moving forward steadily, investments coming in, confidence reinstated, people hopeful and achieving, there is pride for our Republic and nation.

And many people are beginning to claim they had known all along that martial law was the only solution.

Occasionally, however, some people feel that we are back in the Old Society and suggest I share in the profits and material rewards of the civil order I have been able to reestablish.

Poor, deluded souls! They cannot seem to realize that to steer this country through these critical days, I have to be above the material attractions that have a tendency to claim you and enmesh you in petty and selfish interests.

To keep the objectivity and wisdom of judgment that is necessary for leadership, I must stay away from these mundane considerations.

Apr. 2, 1973

APR 2, 7310:23 AM

…Dr. de Vega has just written me that the Supreme Court has resolved the pending suit in the New Constitution and as of this moment is distributing its decision in favor of our position – 6-4.

The four dissenting Justices are:

  1. Chief Justice Roberto Concepcion
  2. Justice Calixto Zaldivar
  3. Justice Enrique Fernando
  4. Justice Claudio Teehankee

Apr. 15, 1973 Sunday

APR 15, 733:17 PM

…In the conference which I held with the “Originals” (with Col. , the J-3 and Gen. Tamayo, Chief of Logistics included) at 4:00 pm, Saturday, April 14th, I informed them:

  1. That I had written a Political Testament which I directed them to follow, indicating the successor to me in case of my death or disability; that this was necessary in view of the fact that even now there was rivalry among various leaders; that it was necessary to continue our policies even if I should not be capable or around to lead, otherwise our constitutional revolution would ultimately fail; that even Alexander’s empire had broken up because he had merely said, “To the strongest belongs his empire”; and that I assessed the various personalities aspiring for leadership.
  2. There was need to review our pledge to our commitment because there is now apparent weakening of the elements of our revolution. A corruption and loss of ideals has set in…

April 16, 1973 Monday 8:15 pm (after dinner and meditation aboard the 777 at Talaga Bay)

APR 16, 738:15 PM

….One of my advisors wrote to me of spiritual retreats that I should not be in the company of my subordinates. I must tell him when I see him one cannot call God a subordinate! For that is the company I keep.

May 5, 1973

MAY 5, 737:23 PM

…We may have to hasten the process of normalizing by:

  1. Conducting elections of an Advisory Legislative Council under the supervision of the Comelec by the Citizens Assemblies.
  2. The old newspapers must be investigated formally and their closure directed after formal hearing.
  3. The same for other media.

The financiers and oligarchs who may finance further violence should now be neutralized.

Formal charges have to be filed against Aquino, Diokno, Roxas, Mitra, Felipe, Manglapus even if the trials may be delayed.

We must now reduce the number of detention prisoners.

Continue the reorganization of the government.

Push away the capitalists trying to get close to me.

July 5th and 6th, 1973 Friday, Saturday, 12:15 pm (at Hermano Mayor)

JUL 6, 7312:15 PM

…Have been planning on the referendum and the development of a constitutional situation where the powers of martial law can be exercised without a proclamation or continuance of martial law…

July 25th & 26th, 1973

JUL 26, 7310:27 AM

This is the first election where I have not delivered a single speech or moved to campaign.

And I may not even vote.

Strange feeling -to be able to win without any effort.

But I am busy on the actions I intend to take after the results of the referendum are released by Comelec.

July 27, 28, 1973 Friday & Saturday, 11:00 pm July 28th

JUL 28, 7311:00 PM

The referendum vote is overwhelmingly Yes. And a great percentage of those qualified registered and voted -about 80% to 95% registered and voted. A similar percentage may have voted yes.

And Imelda was worried that the people may vote against me and my administration.

This is the first time I have won a popular mandate without working for it. No campaigning. No speeches. No expenses. And no headaches.

Sep. 22, 1973 Saturday

SEP 22, 731:48 PM

I have often said achievement is but the meeting or congruence of preparation and opportunity.

But Father Donalan told Imelda that in addition to this I have had luck….

I admit that I have had phenomenal luck in time of war as well as peace.

And there must be a Guiding Hand above who has forgiven me my sins, of which I have had more than my mortal share, and led me to my destiny.

Because all the well-nigh impossible accomplishments have seemed to be natural and fore ordained. And into the role of supposed hero in battle, top scholar, President I seemed to have gracefully moved into without the awkwardness of pushiness and over anxiety.

May 2-May 14, 1974

MAY 15, 746:04 AM

Pres. Soeharto has met Prime Minister Tun Abdul Razak at Penang, Malaysia and returned to Jakarta. Sec. Romulo who attended the ASEAN minister’s conference saw Pres. Soeharto to deliver my letter wherein I pointedly accused Malaysia of training the rebels in the South and furnishing arms, equipment and funds to them.

One thing disturbs me and that is that Pres. Soeharto seems to be convinced by Razak. He has said that “he considered the evidence of both parties of equal weight,” and the situation in Mindanao is “serious and deteriorating…” I have told him that we can handle the internal situation. We are concerned about war which we must prevent. I enclose the cable of Romulo and my answer.

He has invited me to meet him in Monado instead of Balikpapan and on the 29-30 and not on the 25th.

I intend to go there by yacht. Sec. Melchor went there by C-130 and suggests docking at Bitong, instead.

I attach the letter of Pres. Soeharto which I received from Maj. Gen. Noli Jokjobranapalo -and my answer.

Amb. Sullivan met me last Thursday May 9th and reported on his trip to Washington. I attach my notes.

Apparently he cannot prmise any of the tactical missiles. But A-4 (Skyhawk) or F 5-A planes and radar for the south on credit (FMS).

Sugar -1.5 million tons quota and reduction of the tariff on coconut oil and veneer.

So I intend to issue the three decrees -Retail Trade, Anti-Dummy amendment and length of leases as well as the press statement on the one year period of adjustment of real estate titles.

May 17, 1974

MAY 18, 746:14 AM

Our basic strategy with respect to Malaysia is to impress her with our credible defense posture and capability. Thus the announcement on Phil. Air Force Day of the need to increase our armed forces first by [illegible] then to 256,000. I did not announce that including the local police of about 100,000 and private security groups of 40,000 this would total 396,000 by the end of 1976.

Today we sign the Memorandum of Agreement with the US through Amb. Sullivan for the setting up of the Colt M-16 rifle factory in Bataan.

April 1, 1976

APR 2, 762:36 AM

I have asked USec Collantes to tell the American chargé d’affaires that there is a warrant of arrest or threat against Ex Pres. Macapagal and we will help him go whenever he wants to go –even to the U.S.

The chargé told Gen. Ver and USec Collantes that “Political asylum is out.” They must be embarrassed by the Macapagal “escape” to their premises.

April 1, 1977

APR 1, 7710:59 AM

Sierra Lakes

Malacañang Palace

Manila

April 1, 1977

Life after Life —

The phenomenon of 12 people declared clinically dead and returned to life.

Hair-raising as these experiences coincide with mine in August of 1974 when I was ill of black-water fever in the Philippine General Hospital.

As I explained to the boys some time ago, the floating away from the body seemed to me then a part of my delirium but when I recounted what I saw floating above my body and everyone else, the priest coming to give me extreme unction, the doctor (Dr. Agerico B.M. Sison) saying I was gone, the people around me trying to revive me, etc., it was uncanny that it coincided with what actually happened.

Sierra Lakes

Malacañang Palace

Manila

April 1, 1977

Father Cruz keeps repeating that the North Vietnamese won the war with only rifles and rockets against the greatest military power in the world because of their national spirit.

Partly true. It is also true that the South Vietnamese were not equally resolved and motivated because they were not convinced that they were fighting for their country since the Americans loomed large as the principal protagonist and interested party. The South Vietnamese were not fighting for their country. Desertions were high.

Paradoxically, neither were the Americans (both the leaders and followers) convinced of the justice of their cause. Desertions were equally high. And the councils of government were divided. The media were against the war.

So the United States held back its power. It was fighting with one hand tied behind –voluntarily.

November 10, 1977

NOV 11, 776:22 AM

Conversation with Sison.

November 24, 1977

NOV 25, 776:26 AM

I have decided to add interest to the referendum campaign by picking Ex-Pres. Macapagal as the best strawman and issuing an answer to his charges before the Manila Lion’s Club under Cesar Lucero on the MNLF having been brought about by the proclamation of martial law, martial law lifting and my resigning as president and leaving the country so that there would be free elections.

Nov. 25, 1977

NOV 26, 772:31 AM

And so I ended my personal war without any sense of victory but weighed down by the tears that could not flow.

My hope was that I could heal the scars of my spirit, more galling than those of my body.

My right abdominal muscles were cut through never to grow back and my left knee was mangled.

But the injury of my soul was deeper and despairing.

Jan. 1, 1983

JAN 2, 832:26 AM

I had sought to protect the sacredness and preciousness of my memories of the war with the sanctity of silence. So I had refused to talk or write about them except in an indirect way when forced to as when I offered my medals to the dead for I believed all such medals belonged to them.

But the sanctity of silence has been broken by the pettiness and cynicism that overwhelms the contemporary world. And the small souls whose vicarious achievement is to insult and offend the mighty and the achievers have succeeded in trivializing the most solemn and honorable of deeds and intentions. Their pettiness has besmirched with the foul attention the honorable service of all who have received medals and citations in the last World War. They have not excluded me. But instead have made me their special target as the most visible of those who offered blood, honor and life to our people.

So I must fight the battles of Bataan all over again. We must walk our Death March in the hot April sun once again. The Calvary of the USAFFE must again be told.

For we bleed and die again. This time in the hands of men who claim to be our countrymen.

https://philippinediaryproject.wordpress.com/category/diary-of-ferdinand-e-marcos/

Diyaryo

Sunday Express

Mga Litrato/Retrato

Image result for martial law pictures philippines

Credits to: Inquirer News

Mapa

http://yosibreak.blogspot.com/2008/09/lumang-mapa-ng-pilipinas.html

Interview

https://www.youtube.com/watch?v=DKs4O1MKICo

Ikalawang Batis

Published Stories
Dekada ‘70

Dekada ‘70 Kung tutuusin, ang isang tunay na magandang pelikula ay higit pa sa pagsasama ng iba’t ibang elemento nito. The whole is greater than the sum of its parts , wika nga. Maaari natin itong sabihin sa pelikulang Dekada ‘70 ng Star Cinema para sa 2002 Metro Manila Film Festival . Sa katunayan, ito ay higit pa sa magara nitong production design , sinematograpiya at iba panitong teknikal na aspeto, sa makabagbag-damdaming pag-arte ng mga nagsiganap, sa matalino nitong screenplay na si Lualhati Bautista mismo ang sumulat, at siyempre sa impresibong direksyon ni Chito Roño.Dahil nga sa mainam ang pagkakagawa ng pelikula, nagiging background na lamang ang mga makatotohanang props at setting , at animo’y nanonood at nakikinig na lamang tayo sa mga masalimuot na pangyayari sa buhay at madalas ay madrama o nakatutuwang mga usapan ng isang pangkaraniwang pamilya noong dekada sitenta. Nakakalimutan nating si Vilma Santos talaga si Amanda Bartolome, si Christopher de Leon talaga ang asawa niyang si Julian, at napapaniwala tayong isang mataas na pinuno ng NPA talaga si Jules, at hindi ito si Piolo Pascual.Sa ganitong banda, madali para sa isang ordinaryong manonood na mag- concentrate sa mga nilalamang mensahe ng istorya. At katulad ng premyadong nobelang pinagbasihan nito, mayaman ang pelikula sa mga mahahalagang mensaheng ito. Ngunit una sa lahat, kailangan nating banggitin na kung ang Dekada ay isalamang pelikula tungkol sa panahon ng martial law, maaaring hindi itonaging singganda. Tinatanggap nating ito ay isang melodrama at hindi social commentary bkung aling nagkataon lamang na naganap ang istorya noong panahon ng batas militar. Bagama’t naniniwala tayong maganda ang pelikula, nauunawaan nating si Roño ay hindi isang Lino Brocka, at masasabi nating mas pulitikal pa rin ang nobela kaysa pelikula, kahit pa si Bautista ang mismong nagsulat. Maliban sa pagpapaalaala sa ating mahalagang bantayan ang ating kalayaan at gampanan ang ating mga pananagutan dito, naniniwala tayong wala itong tunay na mabigat na mensaheng pulitikal. Ngunit muli, hindi natin sinasabing kakulangan ito. Sa katunayan, nauunawaan nating tama naman na dito ituon ang mga pangunahing tema ng pelikula: sa kahalagahan ng pamilya sa ikabubuti ng isang mas malaking komunidad, katulad ng sarili nating bansa.Sa ganitong paraan, hindi nakakahon at nakakulong lamang sa isang dekadang ating kasaysayan ang mensahe nito. It transcends its own place and time in history. Halimbawa, sa una’y hindi nauunawaan ni Amanda kung bakit gayon na lamang ang animo’y pagkabale-wala ni Julian sa mga nangyayari sa kanilang mga anak. Makikita nating isa lamang siyang maybahay na naghahangad din namang hanapin ang sarili niyang fulfillment sa labas ng papel na ito. Dito palamang, totoo sa kanyang pagiging peminista, ipinapaalaala sa atin ni Bautista ang maling kalagayan ng kababaihan sa ating bansa. May isang eksena pa na pilit sumasali si Amanda sa usapang pulitikal nina Julian at mga kaibigan niya, kung saan ipinagkamali niyang nagsulat si Amado V. Hernandez ng isang librong Ingles. Gayunman, lumalabas na katawa-tawa siya rito at kaawa-awa rin, ngunit hindi natin maiwasang humanga pa rin sa kanya dahil kahit papaano’y naninindigan siya. Mapapansin din nating nauna pa nga na namulat si Jules at ang kapatid niyang manunulat na si Emmanuel (Marvin Agustin) sa mga masamang katotohanan ng martial law kaysa kay Amanda. Ngunit sa huli ay mamumulat din naman si Amanda nang dahan-dahan bagamat sigurado. Si Julian naman ay isang may pagkasinaunang ama ng tahanan whose word is final , bagama’t may pagkaliberal din dahil kuno’y ipinapalaganap niya ang freedom of expression sa kanilang bahay. Maiisip nating maaaring ito ay dahil lahat naman ng kanilang limang anak ay pawang mga lalake rin. Walang kiyemeng ipangangalandakan pa nga niya sa kanila at kay Amanda na ang kaligayahan ng mga babae ay maaari lamang magmula sa mgalalake. Double standards, like charity, begin at home. Itinuturing din niya na ayon lang naman sa kanyang mga liberal na pananaw na hayaang hanapin ng kanilang mga anak ang kanilang sariling mga paniniwalaan sa buhay. “Every man has to believe in something he can die for, because a life that does not have something to die for is not worth living ,” sasabihin pa niya, ngunit makikita natin sa huli na ang totoo’y natatakot din siya sa maaaring kahinatnan ng mga anak niya. Ipinapakitang patas din ang turing ng Dekada sa mga kalalakihan nang ibinigay nito kay Julian ang linyang “Mahirap din ang maging lalake.Maraming emosyon ang iniipit na lang dito,” sabay turo sa kanyang puso.Anupaman ang mga limitasyon ng pananaw ni Julian sa buhay, nagawa pa rin niyang lumabas sa kanyang sariling kahon at mamulat sa kanyang sariling paraan. Dahil nga nagaganap ang istorya sa panahon ng batas militar, maaasahan nating marami sa mga tema ng pelikula ay may bahid-pulitikal. Sa katunayan, mainam nitong isinasalarawan ang masalimuot na panahong ito sa ating kasaysayan. Maigting na ipinapakita ang mga nag-aalab na damdamin ng mga aktibistang-estudyante sa iba’t ibang paraan. Nariyan ang tapang nila sa harap ng karahasan ng Metrocom sa mga nagra- rally, ang pagkakasal sa isang magkasintahan kasama sa kilusan kung saan sa halip na puting belo ay pulang bandilang komunista ang ibinabalabal at sa halip na singsing ay kuwarenta y singkong baril ang hahawakan nila, at iba pa. Si Jules, bilang panganay at estudyanteng kolehiyo, ang “mamumulat” saganitong mga pangyayari sa kanyang kapaligiran. May isang eksena sa gitna ng pelikula na simple ngunit puno ng simbolismo. Sa gabi ng unang araw ng pag-alis ni Jules upang sumali na sa NPA at mamundok, makikita natin si Amanda at Julian na nakaupo sa veranda ng kanilang bahay. Pinag-uusapan nila ang ginawa ng kanilang anak. Nagsisimula ang eksena sa isang long shot , at mapapansin nating nasaibabang bahagi ng screen ang isang mesang bubog kung saan nasasalamin ang baligtad na imahe ng mag-asawa. Ipinahihiwatig sa atin ng shot na ito na binabaligtad na ng mundo sa labas ang kanilang dating masayahin at tahimik na tahanan.Sa katunayan, mapapansin natin, katulad nga ng nabanggit na, na tila ang mga anak pa mismo nina Amanda at Julian ang nag-aakay sa dalawa upang harapin ang kanilang tungkulin bilang mamamayan. Sa maalab na paninindigan ng magkakapatid, at kahit sa nga kapus-kapalarang sinapit ng isa sa kanila, si Jason (Danilo Barrios), pagdadaanan mismo ng mag-asawa ang sakit at pait ng mga katulad nilang magulang na katulad nilang naging biktima ng batas militar ang kanya-kanyang anak. Sa huli, kung tutuusin ay pulitikal din naman ang mensahe ng Dekada ’70. Binibigyang-diin nitong mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga magulang sa paggabay sa kanilang mga anak sa mga usaping katulad ng kalayaan o karapatang pantao o peminismo at marami pang iba. At sa kahihinatnan, makikita nating ganito rin kahalaga ang papel na gagampanan ng isang pamilya “magulang at anak “ sa paghubog ng isang tunay na malaya at mapagpalayang lipunan.

https://www.scribd.com/doc/1787588/Buod-ng-Dekada-70

Likhang Sining

Martial Law in the Philippines by Adi Baen-Santos

https://i0.wp.com/wanderingbakya.com/wp-content/uploads/2015/03/martiallaw.jpg

Biography

 Ferdinand Marcos

Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (11 Setyembre 1917 – 28 Setyembre 1989) ay ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986. Siya ay isang abogado at nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago naging Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para sa apat na taong termino. Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health center at mga eskwela. Kanyang napanatili ang kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at noong 1969 ay muling nahalal bilang pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino. Gayunpaman, ang kasikatan ni Marcos bilang pangulo ay bumagsak sa kanyang ikalawang termino. Ang pagbatikos kay Marcos sa kanyang ikalawang termino ay nagmula sa panlilinlang sa kanyang 1969 kampanya at talamak na korupsiyon sa pamahalaan.  Nagkaroon din ng isang pangkalahatang kawalang kasiyahan ng mga mamamayan dahil ang populasyon ay patuloy na mabilis na lumalago kesa sa ekonomiya na nagsanhi ng mas mataas na kahirapan at karahasan. Ang NPA ay nabuo noong 1969 at ang MNLF ay nakipaglaban para sa pakikipaghiwalay sa Pilipinas ng Muslim Mindanao. Sinamantala ni Marcos ang mga ito at ang ibang mga insidente gaya ng mga pagpoprotesta ng mga manggagawa at mga estudyante at pambobomba sa mga iba’t ibang lugar sa bansa upang lumikha ng isang kapaligiran ng krisis at takot na kanyang kalaunang ginamit upang pangatwiranan ang kanyang pagpapataw ng Batas Militar o Martial Law. Sa panahong ito, ang popularidad ni Senador Benigno Aquino Jr. at ng oposisyong Partido Liberal ay mabilis na lumago. Sinisi ni Marcos ang mga komunista para sa nakakahinalang pambobomba ng rally ng partido Liberal sa Plaza Miranda noong 21 Agosto 1971. Ang isang isinagawang pagtatangkang pagpaslang sa kalihim ng pagtatanggol ni Marcos na si Juan Ponce Enrile ang isang dahilang ibinigay ni Marcos upang ipataw ang Martial Law ngunit ito ay kalaunang inamin ni Enrile na peke. Noong 23 Setyembre 1972 ay idineklara ni Ferdinand Marcos ang Batas Militar o Martial Law at binuwag ang Kongreso ng Pilipinas na nag-aalis ng tungkulin sa mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ng kapangyarihang lehislatibo o paggawa ng batas si Marcos. Noong 1973, pinalitan ang Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 ng isang bagong Saligang Batas at si Marcos ay nagmungkahi ng mga amiyenda sa bagong Saligang Batas na pinagtibay noong 1976 na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na magpapatuloy na magsanay ng mga kapangyarihan sa ilalim ng 1935 Saligang Batas at ng lahat ng mga kapangyarihang ipinagkaloob sa Pangulo at Punong Ministro ng 1973 Saligang Batas gayundin ng mga kapangyarihang paggawa ng batas hanggang sa iangat ang Batas Militar. Sa ilalim ng Batas Militar ipinabilanggo ni Marcos ang mga 30,000 politikong oposisyon, mga bumabatikos na mamamahayag at mga aktibista kabilang si Senador Benigno “Ninoy” Aquino. Mula 1973, ginawang pag-aari ng pamahalaan ni Marcos ang mga pribadong negosyo at naging pag-aari ni Marcos o ibinigay sa kanyang mga crony o kamag-anak.Itinatag ni Marcos ang kapitalismong crony at mga monopolyo sa mga mahahalagang industriya gaya ng buko, tabako, saging, pagmamanupaktura, asukal at iba pa na nagbigay ng malaking pakinabang sa kanyang mga crony. Si Marcos ay mabigat na umutang sa dayuhan na umabot ng 28 bilyong dolyar noong mapatalsik si Marcos noong Pebrero 1986 mula kaunti sa 2 bilyong dolyar noong maluklok si Marcos bilang pangulo noong 1965. Kanyang hinirang ang mga opiser ng militar upang mangasiwa sa ilang mga korporasyon at inutos niyang kontrolin ng militar ang lahat ng mga pampublikong utilidad at media.Ang mga hukumang sibilyan ay inalisan ni Marcos ng kapangyarihan at autonomiya. Ang mga sahod ng mamamayan ay nangalahati at ang pambansang sahod ng Pilipinas na hinahawakan lamang ng pinakamayamang 10 porsiyento ng populasyon ng Pilipinas ay tumaas mula 27 % to 37%. Ang kritiko ni Marcos na si Benigno Aquino, Jr. ay natagpuang nagkasala ng hukumang militar ng pagpapabagsak ng pamahalaan ni Marcos noong 1977 at hinatulan ng parusang kamatayan. Nagkaroon ng sakit sa puso si Aquino habang nakabilanggo at pinili ni Aquino na tumungo sa Estados Unidos sa halip na gamutin ng mga doktor na nag-atubiling masangkot sa kontrobersiya. Upang makamit ni Marcos ang pag-endorso ng Papa na dumalaw noong Pebrero 1981 at Simbahang Katoliko sa kanyang rehime, inangat ni Marcos ang Martial law noong 17 Enero 1981 bagaman ang lahat ng mga kautusan at atas na inilabas noong Martial Law ay nanatiling may bisa. Ang isang bagong halalan ay idinaos noong 1981 kung saan nanalo si Marcos ng isa pang anim na taong termino bilang pangulo. Pagkatapos ng tatlong taon, bumalik si Ninoy Aquino sa Pilipinas noong 21 Agosto 1983 kung saan siya pinaslang sa ng paliparan na kalaunang tinawag na Ninoy Aquino Intenational Airport. Natagpuan ng komisyong hinirang ni Marcos na ang sabawatang militar ang nasa likod ng pagpaslang kay Ninoy ngunit mga nasangkot na kasapi ng militar kasama si Fabian Ver ay pinawalang sala sa isang paglilitis ng pamahalaan ni Marcos. Ang kamatayan ni Aquino ang nagtulak sa kanyang balong si Corazon Aquino na tumakbo sa 1986 snap election laban kay Marcos. Ang mga iniulat na pandaraya ng kampo ni Marcos sa 1986 halalan at mga karahasan ay humantong sa pagbibitiw ng kalihim ng pagtatanggol na si Juan Ponce Enrile at military vice-chief of staff Fidel Ramos. Ito ay humantong sa Himagsikang People Power na nilahukan ng mula isang milyon hanggang 3 milyong katao noong 1986 dahil sa kawalan ng pagtitiwala ng mga mamamayan sa pamumuno ni Marcos. Ito ay nagtulak kay Ferdinand Marcos at kanyang pamilya na lumikas sa Hawaii, Estados Unidos kung saan siya namatay noong 1989. Sinasabing mula 5 bilyon hanggang 10 bilyong dolyar ang nakamkam ni Marcos mula sa kabang yaman ng Pilipinas sa 20 taon niyang panunungkulan. Ang mga 4 bilyong dolyar lamang ang nagawang mabawi ng pamahalaan ng Pilipinas kabilang ang $684 milyon na itinago ni Marcos sa mga Swiss bank account.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Ferdinand_Marcos

Generalisasyon sa mga Nakalap na Impormasyon mula sa Pananaliksik

Ang Martial Law ay maaaring may mga kabutihan at kasamaang naidulot. Marahil sa kagustuhan niyang madisiplina ang mga tao ay nawalan siya ng kontrol rito. Napapaloob ang mga programa ng reporma ng pamahalaan sa salitang “PLEDGES” na ang ibig sabihin ay:

 P-eace and Order (Kapayapaan at Kaayusan);

 Land Reform (Reporma sa Lupa);

Economic Development (Kaunlaran sa Kabuhayan);

D development of moral values

Government Reforms (Mga Pagbabago sa Pamahalaan);

Educational Reforms (Mga Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon);

Social Services (Serbisyong Panlipunan).

Ang mga masamang dulot naman nito ay hindi nabigyan ng pagkakataon ang mga taong nagkasala na magbago at marami ang namatay dahil rito. Maraming inosente ang namatay dahil sa mga maling bintang at ang ating ipinagmamalaking sandatahan ay naging death machine ni Marcos laban sa mga katunggali niya. Ang kanyang mga sinabi sa kanyang inagurasyon noong 1965, mga proyekto niyang nakatulong sa nakararami ay nabahiran na ng dungis dahil sa kanyang pagdedeklara ng Proklamasyon Blg. 1081.

Maraming reporma ang kaniyang ipinatupad ngunit marami rin siyang perang kinuha sa bayan.

 

 

Leave a comment